- para sayo
-
swimingelatin
- May 9th, 2010
hindi ko na alam kung anong pupuntahan nitong matagal tagal na rin nating problema. kahit na anong dasal ko na sana'y hindi ito makagawa ng lamat sa relasyong ito, hindi ko naman makokontrol. nagawa ko na ang lahat ng kaya kong gawin. kinausap na kita, nagpakatatag ako para sa atin, nagisip ng mga bagay na makakabuti sa atin, inunawa ka, hinabol ka. pero mukhang ayaw mo na. nasan ka na ba? nasan na yung dating ikaw na nakilala ko? nasan na yung mga ngiti na nagpapalakas sakin pag gising ko sa umaga? ako rin ba ang may kasalanan kung bakit nawala na rin yon sayo? hanggang dito na lang siguro ako. hindi ko naman mapipilit sayo ang gusto kong mangyari kung ayaw mo 'yon eh. kung ang ibig sabihin nito ay ang katapusan na natin, wala akong magagawa kung hindi intindihin. alam mo naman na sa kahit anong paghihirap, hindi naman ako susuko sayo. tatanggapin ko na lang kung sa tingin mo ay ito ang makakabuti para sa atin. kung hanapin mo man ako, matatagpuan mo rin ako agad. alam mong maghihintay ako sayo. alam mo kung san ako pupuntahan.